Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo

Limang beses na nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon sa PHIVOLCS, nasa lima hanggang dalawampung minuto ang haba ng pagbuga na naitala kaninang alas-ocho, kwarenta’y sais ng umaga na napadpad sa timog-kanluran.
Nakapagtala rin ng dalawampu’t isang volcanic earthquakes sa kanlaon at 150 meters na taas ng plume o pagsingaw.
Nananatili sa Alert level 2 ang bulkang kanlaon at pagpasok sa apat na kilometrong radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Please follow and like us: