Bulto ng mga armas at bomba, nadiskubre sa Quezon City
Nadiskubre ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang bulto ng mga armas at eksplosibo sa isang bunker sa Barangay Pasong Tamo, sa Quezon City.
Sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao, na inireport sa pulisya ng anak na babae ni Emerson Agpalo, na sangkot sa pamamaril noong isang linggo, tungkol sa natagpuan niyang bunker sa basement ng kanilang bahay kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama.
Ayon sa pulisya, nakuha nila sa lugar ang dalawang rifle grenades, isang fragmentation hand grenade, apat na .38-caliber handguns, isang improvised long firearm, isang 9mm pistol, 34 12-gauge shotguns, 160 mga bala, at dalawang magazines para sa M-16 rifle.
Ang mga nadiskubreng armas ay itinurn-over sa Quezon City Police District, habang ang mga pampasabog naman ay sa QCPD explosives and canine unit.