Buong bansa nasa low risk classification na sa kaso ng COVID-19 ayon sa Malakanyang
Inanunsiyo ng Malakanyang na nasa low risk classification na ang buong bansa sa kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na tatlong matrix ang pinagbasehan ng Inter Agency Task Force o IATF upang maideklarang nasa low risk classification na sa kaso ng COVID-19 ang buong bansa.
Ayon kay Nograles, ang tatlong matrix na pinagbatayan ang growth rate ng COVID-19, average daily attack rate per 100,000 population at ang magandang health sytem capacity.
Inihayag Nograles ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay collective efforts kasama ang pakikiisa ng mamamayan kasabay ng paghikayat sa lahat na manatiling iobserba ang health protocol habang isinasagawa ang rollout ng anti COVID-19 vaccine sa mga hindi pa nababakunahan.
Vic Somintac