Buong rehiyon sa Eastern Visayas, hiniling ng ilang Kongresista na isailalim na sa state of calamity matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Leyte
Hinimok nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Samar Rep. Edgar Sarmiento ang Malacañang na ideklara na ang state of calamity sa buong rehiyon sa Eastern Visayas, na sinalanta kamakailan ng 6.5 magnitude na lindol.
Ayon sa dalawang kongresista, kailangan ang deklarasyon ng state of calamity sa buong Region VIII para mapabilis ang deployment ng power barges at generators.
ito ay dahil nananatiling problema pa rin sa nasabing rehiyon ang kawalan ng kuryente magmula nang mangyari ang lindol noong Hulyo 6, na siyang dahilan din sa paghina ng kita ng bansa.
Sinabi ni Evardone na ang deklarasyon ng state of calamity sa rehiyon ay magiging daan para sa gobyerno na suspendihin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, at para na rin sa pagpapabilis sa pag-restore ng kuryente.