Bureau of Immigration iniimbistigahan ang pagkakasangkot ng ilang indian nationals sa illegal drug trade.
Iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration ang pagkakasangkot ng ilang indian nationals sa kalakalan ng iligal na droga.
Ito ay sa harap ng pagkakaaresto ng pdea sa tatlong indian nationals sa Iloilo.
Ipinagutos ni Immigration Commissioner Jaime Morente kay BI Intelligence Office Chief Atty. Sherwin Pascua na magpadala ng mga team ng bi operatives sa mga probinsya kung saan may mga naarestong indian dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.
Bilang pagtalima sa direktiba ni Morente, nagsagawa ng imbestigasyon at follow-up operations ang mga tauhan ng bi sa mga naarestong indians sa Iloilo.
Nabatid ng mga BI operatives na ang tatlong dayuhan na kinilalang sina Amandeep Tangri, Joginder Pal Tangri at Tehal Singh ay iligal na naninirahan sa Pilipinas dahil matagal nang nagpaso ang kanilang visas.
Dahil dito sinabi ni Morente na kakasuhan ng paglabag sa immigration laws ang tatlo pero hindi muna ipapadeport ang mga ito hanggang sa hindi pa nila mapagsilbihan ang sentensya kung hahatulan ng korte.
Napagalaman din sa joint operation ng BI , CIDG at Region 7 provincial police office na ipinadapeport isang indian na si Parmjeet Singh dahil sa kasong fraud at misrepresentation.
Pinakawalan naman ang 30 iba pa na indians na target din ng operasyon matapos makapagprisinta ng valid visas.
Ulat ni Moira Encina