Bureau of Immigration, planong magtalaga ng intelligence operatives sa mga pantalan sa Mindanao

download
courtesy of Wikipedia.org

Plano ng Bureau of Immigration and Deportation na magtalaga ng mga intelligence operative sa mga pantalan sa Mindanao na nagsisilbing backdoor papasok ng Pilipinas.

Ito’y dahil sa mga ulat na ilang terorista ang dumaan sa mga nasabing pantalan at kasama pang nakipagbakbakan sa lungsod ng Marawi at Lanao del Sur.

Ayon sa Port Operations Division Chief ng Immigration na si Marc Red Marinas, kanilang aatasan ang border control intelligence unit para tiyaking wala ng terorista na iligal na makapapasok sa bansa.

Kasabay nito, inirekomenda rin ni Marinas kay Immigration Chief Jaime Morente na kumuha ng mga tauhan na may karanasan sa intelligence gathering at law enforcement para maitalaga sa mga pantalan sa Mindanao at Palawan.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *