Bureau of Animal Industry, tiniyak na wala pang kaso ng ASF sa bansa

Tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) na wala pa silang namomonitor na kaso ng African swine fever sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunaman, sinabi ni BAI Focal Person Dra. Joy Lagayan sa panayam ng Agila Balita na patuloy ang kanilang monitoring partikular sa mga balita na may mga alagang baboy na namatay sa Hilagang bahagi ng bansa at maging sa Negros provinces.

Kapag may mga natatanggap sila aniyang mga ulat ay kaagad nila itong iniimbestigahan at kinukuhanan ng sample dahil posibleng hindi ito ASF kundi classical swine fever lamang o ang tinawatag na hog cholera.

Kung may nakitang mga sintomas, payo ni Dra. Lagayan na magtungo sa mga beterinaryo para maobserbahan ang baboy at maaari ring humingi ng tulong sa pinakamalapit na Municipal Agriculturist.

We can definitely say na wala pa tayong African swine fever at iniimbestigahan at vine-verfiy natin ang mga balitang nagkalalagnat ang mga baboy kasi posibleng ito ay Hog Cholera lamang o ang Classical swine fever na pareho rin ang sintomas sa ASF. Ang pinagkaiba lang yung ASF ay walang bakuna”.

Dra. Joy Lagayan, BAI Spokesperson

Samantala, sinabi pa ni Dra. Joy na aabot na sa 18 mga bansa na ang pinagbawalan nang magpasok ng mga meat products sa Pilipinas.

Kabilang dito ang mga kalapit nating bansa na Mongolia, China, Vietnam, Cambodia at Hongkong.

Pinayuhan din niya ang mga mamimili na basahin ang label ng mga meat products kung saang bansa ito nanggaling at kung kailan ito ginawa.

“Dalawa ang titingnan ng mga mamimili everytime na titingin o bibili ng mga pork products. Una saan ba gawa ang karne o ang canned goods. Pangalawa dapat i-check kung kailan ang production date. Kung ito ay na-produce after September 2018 ay isa yan sa mga produktong dapat kinukumpiska”.


Dra. Joy Lagayan, BAI Spokesperson

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *