Bureau of Customs, nakakumpiska ng P1.72 milyong halaga ng misdisclared frozen tuna
Nakakumpiska ang Bureau of Customs-Port of Davao ng misdeclared “Frozen Frigate Tuna,” na nagkakahalaga ng Php 1.72 million.
Lumitaw sa intelligence reports, na ang nasabing container ay dumating sa Davao International Container Terminal (DICT) sa Panabo City, Davao del Norte at sinasabing naglalaman ng “Frozen Malt”.
Gayunman, isang derogatory information ang nagbunsod sa issuance ng isang Pre-Lodgment Control Order (PLCO) laban sa consignee nito na sanhi para magsagawa ng 100% physical examination, kung saan nadiskubre ang misdeclaration of goods matapos matagpuan ang 2,300 mga kahon ng “Frozen Frigate Tuna.”
Bukod dito, ang misdeclared items ay hindi covered ng isang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) at Landing Permit mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) XI.
Kaugnay nito, nag-isyu si District Collector Atty. Austria ng isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa ilegal na kargamento, dahil sa paglabag sa Section 1400 “Misdeclaration of Goods Description” ng Republic Act No. 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).