Bureau of Customs, nalagpasan ang Target collection sa nakalipas na Abril
Very good ang naging collection performance ng Bureau of Customs (BOC) na nakalipas na Abril.
Ayon kay Atty. Erastus Austria, Customs spokesperson at Collector ng Manila International Container port, umabot sa 53.33 bilyong piso ang kanilang nakolekta, mas mataas aniya ito sa target nilang koleksyon na 51 bilyong piso.
Dahil dito, nabawi rin ng BOC ang deficit ng tanggapan sa mga nakalipas na buwan dahil malaki ang naiambag sa target collection ng Manila International container port (MICP) na itinuturing na pinakamalaking nagkakarga sa collection effort ng customs.
“Yung deficit natin noong nakaraang buwan, dahil hindi naman kada buwan ay nami-meet natin ang target, positive tayo mula month of January hanggang April. So may surplus tayo na tinatawag na cumulative collection performance natin”.- Atty. Erastus Austria, Customs spokesperson