Bureau of Customs sinimulan nang ipatupad ang mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo
Nagpalabas na ang Bureau of Customs ng memorandum sa lahat ng mga district collector para sa bagong excise rate ng mga produktong petrolyo at iba pa bilang pagtalima sa TRAIN law.
Ang bagong fuel excise tax rate ay sinimulan nang ipatupad noong January 4.
Nakasaad sa memorandum na ang singil para sa LPG ay tumaas sa dalawang piso mula sa piso; ang diesel naman ay P4.50 kada kilo mula sa dating P2.50 at ang gasolina ay siyam na piso mula sa dating pitong piso.
Bago na rin ang excise tax rate para sa mineral at produktong mineral, domestic at imported, at ito ay nasa 100 pesos na.
Siyam na piso naman ang ipapataw na buwis para sa lubricating oil at grasa.
Tuloy din ang pagpapatupad ng apat na porsyentong pagtaas sa excise tax rate sa mga alak at sigarilyo.
Ulat ni Moira Encina