Bureau of Immigration binalaang ipapadeport ang mga dayuhan sa bansa na lalabag sa quarantine protocols
Nagbabala si Immigration Commissioner Jaime Morente na ipadedeport ang mga dayuhang nasa bansa na lalabag sa mga patakarang itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ngayong may pandemya.
Binigyang diin ni Morente na ang paglabag ng isang dayuhan sa mga batas dito sa Pilipinas ay maaaring maging dahilan para sila maipadeport.
Matatandaang isang Spanish national ang inilagay sa blacklist ng BI noong nakaraang taon matapos lumabag sa Enhanced Community Quarantine protocols at makipambuno pa sa mga pulis sa Makati.
Ang babala ay ginawa ni Morente kasunod ng natanggap nilang report na may ilang foreign executives sa ilang kumpanya ang lumalabag sa IATF protocols sa kanilang workplaces.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. na iimbistigahan nila ang mga ulat na ito.
Kung makitaan ng merito, handa aniya ang BI na magsampa ng kaso laban sa mga ito.