Bureau of Immigration, mahigpit na sinasala ang mga Pinoy na magtutungo sa Japan
Mahigpit na sinasala ngayon ng Bureau of Immigration ang mga pinoy na paalis ng bansa at patungo sa Japan.
Sa isang memorandum ni Immigration Commissioner Jaime Morente partikular na pinababantayan sa BI personnels ang mga pinoy na papuntang Japan gamit ang visa para sa intra-company transferee, short-term visitor, student, at engineer specialist in humanities and international services.
Kasunod ito ng mga report na nagagamit ang mga nasabing visa ng ilang ang nais pala ay maghanap talaga ng trabaho sa Japan.
Babala ni Morente, ang ganitong modus ay lantad sa panganib ng human trafficking at illegal recruitment.
Ang mga kahina hinalang visa holder, isasala daw ng BI sa secondary inspection ng kanilang travel control and enforcement unit.
Madelyn Villar – Moratillo