Bureau of Immigration, may babala sa mga dayuhang makikisali sa political activities sa bansa
Kasabay ng nalalapit na halalan, nagpaalala ang Bureau of Immigration sa mga dayuhang nasa bansa na huwag makisali sa anumang political activities.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang pagsali ng isang dayuhan sa mga rally kasama na ang election campaigns ay pagpapakita ng kawalang respeto sa umiiral na batas dito sa bansa.
Kaya naman maikukunsidera aniya itong isang paglabag sa kundisyon ng kanilang pananatili sa bansa.
Kahit pa aniya iyong holder ng Permanent Residence Visa ay hindi rin dapat makialam sa pulitika dahil ang karapatan na ito ay para lamang sa mga Filipino citizen.
Binigyang-diin ng opisyal na zero tolerance ang kanilang paiiralin sa mga dayuhan na lalabag rito.
Ang mapapatunayang guilty ng electioneering ay maaari aniyang maipadeport at mailagay sa blacklist ng Bureau of Immigration.
“Those foreigners who will be found guilty of such acts, especially electioneering, shall be deported and blacklisted, perpetually barring them from returning to the Philippines.” — Immigration Commissioner Jaime Morente
Madz Moratillo