Bureau of Immigration, nag-isyu na ng bagong travel cards para sa mga international passengers sa NAIA

Inilabas na ng Bureau of Immigration ang mga bagong arrival at departure card para sa mga pasahero na umaalis at dumadating sa Pilipinas.

Sinabi ni BI- OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, sinimulan na nila noong July 1 ang pamamahagi ng bagong travel cards sa iba’t- ibang airlines.

Anya pinalitan ng BI ang lumang travel card dahil kulang ang dating card sa sapat na impormasyon kaugnay sa international passengers sa NAIA.

Ayon sa BI, ang paggamit ng arrival at departure card ay nakagawian na sa mga immigration department ng maraming bansa dahil naidu-dokumento nang maayos ang mga pasahero na mahalaga sa pangagasiwa ng border ng bansa.

Itinuturing din ang mga travel card bilang legal document sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga pasahero na wala sa kanilang pasaporte.

Ang arrival at departure card ay iniiwan ng pasahero sa immigration inspector pagdating sa bansa o bago bumiyahe pa-abroad.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *