Bureau of Immigration, nagdagdag ng 58 kawani nito sa NAIA bilang paghahanda sa dagsa ng pasahero sa Lenten break ng mga Katoliko

 

Nagdagdag ang Bureau of Immigration ng mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International airport o NAIA at sa ibang paliparan sa bansa bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero na bibiyahe sa Lenten break ng mga Katoliko.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, iniutos niya na pansamalantalang i-deploy sa NAIA at sa iba pang paliparan ang 58 Immigration officers na nakatalaga sa mga field offices ng kawanihan.

38 aniya sa mga ito ay inilagay sa NAIA habang ang 20 iba pa ay nire-resign sa mga International airports sa Mactan-Cebu, Clark, Kalibo at Davao.

Sinabi ni Morente na ito ay para matiyak na may sapat na tauhan ang BI sa mga paliparan na aagapay sa mga manlalakbay bago at hanggang matapos ang darating na holiday.

Sa ganitong paraan aniya ay naiiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero sa Immigration counter.

Tiniyak ng opisyal na patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon sa mga paliparan para makita kung maayos na napagsisilbihan ng mga immigration officers ang mga pasahero.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *