Bureau of Immigration naghihigpit na sa pagsala sa mga pumapasok na dayuhan sa bansa
Tiniyak ng Bureau of Immigration ang mas mahigpit na pagsala sa mga pumapasok na foreign nationals sa bansa.
Ayon kay Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI, ito ay para masigurong lehitimong biyahero lang ang makapapasok sa bansa.
Pero dahil sa mga kaso ng kidnapping at extortion na kinasasangkutan ng mga dayuhan partikular ng mga chinese national, magkakaroon aniya ng ilang adjustments ang BI sa pag-assess sa mga dumarating na foreign nationals.
Ayon kay Sandoval, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga law enforcement agency dito sa bansa kaugnay ng mga dayuhang naaaresto dahil sa paggawa ng krimen.
Kapag napatunayang lumabag sa immigration laws, sinasampahan aniya ang mga ito ng deportation case.
Puwede rin aniya itong magresulta ng pagblacklist sa kanila para hindi na ulit makabalik sa bansa.
Madelyn Villar – Moratillo