Bureau of Immigration nagpaalala na tuloy pa rin ang ipinatutupad na travel restrictions kasunod ng pinalawig na ECQ
Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na mananatili pa rin ang umiiral na travel restrictions na una ng ipinatupad dahil sa Enhanced Community Quarantine.
Ang paglilinaw ay ginawa ni BI Commissioner Jaime Morente matapos palawigin pa ng hanggang Mayo 15 ang umiiral na ECQ sa National Capital Region, Region 3, Calabarzon at iba pang high risk areas.
Dahil rito, sinabi ni Morente na restircited parin ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ang papayagan lang aniyang makapasok sa bansa ay mga Filipino, kanilang dayuhang asawa at anak, at accredited foreign government at international organization officials, at foreign airline crew.
Ang mga papayagan namang makalabas sa bansa ay mga dayuhan lamang, mga pinoy na permanent residents o student visa holders sa ibang bansa, at Overseas Filipino Workers.’
Una rito nag-scale down din ng kanilang operasyon ang BI matapos magkansela ng byahe ang ilang airline company dahil sa travel restrictions dahil sa Covid-19.
Ulat ni Madz Moratillo