Bureau of Immigration nagpatupad ng dress code adjustment
Dahil sa matinding init, nagpatupad na rin ng dress code adjustment ang Bureau of Immigration para sa kanilang mga empleyado.
Sa memorandum ng administrative division ng BI, nakasaad na mula Mayo 7 hanggang 31 ay pwedeng magsuot ng smart casual uniform ang kanilang mga empleyado.
Pero tuwing Lunes required ang complete uniform.
Exempted naman sa memorandum ang mga empleyado na nasa ilalim ng civil security unit at mga nakatalaga sa international ports of entry and exit.
Madelyn Villar- Moratillo
Please follow and like us: