Bureau of Immigration, naka-heightened alert sa Undas

Naka-heightened alert ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA at sa iba pang mga paliparan sa darating na Undas ng mga Katoliko.

Sa harap ito ng ulat na plano ng mga sindikato ng human trafficking sa Pilipinas na samantalahin ang bakasyon para ilabas ng bansa ang kanilang mga biktima.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, inatasan ang mga BI airport terminal heads at supervisor nina Justice Secrertary Menardo Guevarra at Immigration Commissioner Jaime Morente na ipatupad ang mahigpit na immigration assessment bilang bahagi ng kanilang Oplan Undas.

Kaugnay nito, inatasan ang mga immigration officers na magsagawa ng secondary inspection sa mga papaalis na Pinoy na may kaduda-dudang purpose of travel.

Pinagdu-doble higpit din ang BI sa mga dayuhan para matiyak na tunay ang kanilang visas at iba pang travel document.

Mananatiling naka-heightened alert ang BI hanggang November 4.

Sinabi ni Medina na may mga intelligence report silang natanggap na ipapadala abroad ngayong linggo ng mga illegal recruiters at human traffickers ang marami sa kanilang mga biktima.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *