Bureau of Immigration nakatakdang ipadeport ang tatlong dayuhan na iligal na pumasok sa bansa

Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration ang tatlong dayuhan na nahuli kamakailan ng militar sa Basilan dahil sa pagpasok ng iligal sa bansa.

Kinilala ang mga banyaga na sina Tsui Tsz Kin , Ho Chun Wai at Wong Po na pawang mamamayan ng  Hongkong Special Administrative Region.

Batay sa ulat ng BI-Anti-Terrorist Group kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadakip ang tatlo ng militar sa Pilas Island sa Basilan habang nakasakay sa speedboat na naubusan ng gasolina habang nasa dagat.

Ayon kay BI-ATG Chief Fortunato Manahan Jr., iniimbestigahan nila ang mga banyaga sa posibleng pagkakadawit sa drug trafficking, human trafficking at smuggling.

Nakumpiska mula sa Hongkong nationals ang ilang high-tech cellular phones, satellite phones, GPS devices at credit cards.

Katwiran ng tatlo nagsasagawa lang sila ng testing procedures sa kanilang speedboat bago sila mapadpad sa karagatan sakop ng Pilipinas dahil sa masamang panahon.

Sasampahan naman ng mga BI prosecutors ang tatlo ng mga paglabag sa Philippine immigration act sa BI Board of Commissioners.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *