Bureau of Immigration nilinaw na sarado parin ang Pilipinas sa foreign tourists
Nananatiling sarado ang Pilipinas sa mga dayuhang turista.
Ito ang nilinaw ni Immigration Commissioner Jaime Morente kasunod ng unti -unting pagluwag ng community restrictions sa maraming lugar sa bansa.
Ayon kay Morente, mula ng maibaba sa Alert level 2 ang Metro Manila, inulan na sila ng inquiries mula sa mga foreign tourist na nais makabisita sana sa bansa.
Sinabi pa ni Morente, sa ngayon ay mga Filipino, balikbayan, at dayuhang may valid at existing visa lang ang pwedeng makapasok sa bansa.
Ang mga nais aniyang bumiyahe sa bansa sa ilalim ng tourist visa ay pwedeng mag-aplay ng temporary visitors’ visa at entry exemption document mula sa embahada ng Pilipinas.
Madz Moratillo