Bureau of Immigration paiigtingin pa ang laban kontra Human trafficking

Napanatili ng Bureau of Immigration ang Tier 1 status nito sa US State Department 2018 Trafficking in Persons Report.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito na ang ikatlong sunod na taon na Tier 1 rating ang Pilipinas sa paglaban sa human trafficking.

Dahil dito, tiniyak ng opisyal na paiigtingin pa ng BI ang kampanya nito kontra sa human trafficking sa pamamagitan ng mahigpit na implementasyon ng Immigration laws.

Ayon sa TIP report ng US State Department bagamat hindi pa tuluyang nasasawata ang kurapsyon ay tinukoy naman ang mahigpit na screening ng BI sa mga papaalis na Pinoy.

Sinabi naman ni BI OIC Associate Commissioner at Port Operations Division Chief Marc Red  Mariñas na mula Enero hanggang Mayo ngayong taon ay kabuuang 14,076 pasahero ang pinigilan ng BI na makaalis dahil sa misrepresentation o di kumpletong travel documents.

Umabot naman anya sa 67 OFWS na hinihinalang mga menor de edad na tumangkang umalis ng bansa ang hinarang ng BI officers.

Naging matagumpay din anya ang BI sa pagpigil sa tangka ng mga international syndicates na gamitin ang NAIA bilang transit point para sa pagpuslit ng mga illegal aliens sa mga bansa gaya ng Canada at United Kingdom.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *