Bureau of Immigration, pinaplantsa na ang operational plan nito kaugnay sa implementasyon ng Rationalization scheme sa NAIA

Abala ang Bureau of Immigration o BI sa pagplantsa ng operational plan kaugnay sa rationalization scheme na ipatutupad sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa katapusan ng Agosto.

Layunin ng rationalization plan na ipinanukala ng Manila International Airport Authority o MIAA na mabawasan ang congestion at mapagbuti ang air traffic sa NAIA.

Sa ilalim nito, ang NAIA terminal 1 at 3 ay ilalaan para sa mga international flights habang ang Terminal 2 at 4 ay eksklusibo para sa Domestic flights.

Limang airline companies ang maiiwan sa terminal 1 habang ang 19 na ibang Airlines ay ililipat sa Terminal 3.

Dahil dito sinabi ni BI Port Operations division (POD) chief Marc Red Mariñas na ang mahigit sa kalahati ng 500 BI Personnel na naka-assign sa NAIA ay ilalagay sa Terminal 3 kung nasaan ang karamihan ng International flights habang ang nalalabing kawani ay ide-deploy sa Terminal 1.

Ayon pa kay Mariñas, magiging operational na rin ang 20 Immigration booths sa arrival area ng NAIA 3 kaya maiiwasan na ang mahabang pila doon.

Balak din ng BI na magkabit ng karagdagang 70 workstations sa Terminal 3 dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero.

Ang kasalalukuyang departure din ainya na umano’y napakaliit ay kanilang palalakihin para makapagdagdag ng Immigration booth.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *