Bureau of Treasury, inilunsad ang makabagong paraan kung papaano ang pamumuhunan sa bansa

Inilunsad ng Bureau of the Treasury ang makabagong paraan ng pag -iinvest na tinatawag na Retail Treasury bonds o RTB.

Ang Retail treasury bonds ay isang makabagong paraan kung papaano ang madaling pag-iinvest ng isang indibidwal .

Ito na ang 21 Issuance ng RTB ng Philippine goverment at kauna-unahan ngayong 2018.

Sa halagang 5,000 pesos maari ng makapag-invest ang sinuman sa nasabing makabagong paraan ng pamumuhunan.

Bukod sa pansariling kapakanan na investment ay malaking tulong din anila ang Retail treasury bond dahil nakakatulong ang isang investor sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno tulad na lamang ng infrastracture program, bukod sa nakatulong ka na sa iyong sarili nakatulong ka pa sa iyong bansa.

Kung ikukumpara kasi sa karaniwang time deposit sa bangko nasa 2.6% lamang ang magiging interest ng halagang iyong iinvest sa bangko..

Halimbawa:

Time deposit

P 5,000- in 3 years 2.6%

= P 318

Di hamak na mas malaki naman ang interest kapag ipinasok sa Retail treasury bonds ang iyong investment na kung saan aabot sa 4.8%  sa loob ng tatlong taon ang magiging interest rate.

Halimbawa:

RTB

P 5,000- in 3 years na 4.8%

= P 585

Mas malaki ng kalahati kumpara sa time deposit.. mas malaking investment mas malaki din ang magiging kita.

Ang requirment naman para magka-avail ng nasabing investment program ay ang pagkakaroon lamang ng peso account sa Bangko na accredited selling agents ng Retail treasury bonds.

Ayon sa pamunuan ng National treasury nais nilang magkaroon pa ng karagdagang public awareness program para sa mga Pilipino ukol sa Retail treasury bonds dahil karamihan anila ay hindi pa alam ang nasabing bagong investment.

Nais nilang ma achieve ng isang indibidwal ang financial goals ng mga ito para sa kanilang kinabukasan.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *