Bus sa Peru nahulog sa bangin, 32 patay
LIMA, Peru (AFP) – Tatlompu’t dalawa katao ang nasawi kabilang ang dalawang bata, habang 20 iba pa ang nasaktan nang mahulog sa bangin ang isang bus sa Peru.
Ang aksidente ay nangyari sa isang makipot na daan sa Carretera Central road, may 60 kilometro sa silangan ng Lima, kapitolyo ng Peru.
Ayon kay police commander Cesar Cervantes, nakalulungkot na sa 63 pasahero ng bus ay 32 ang namatay kasama na ang isang anim na taong gulang na batang lalaki at isang tatlong taong gulang na batang babae.
Aniya . . . “Recklessness contributed to the accident, the bus had been traveling at high speed.”
Sa kuwento ng mga nakaligtas sa aksidente, tumama ang bus sa isang bato bago nahulog sa bangin na may 650 talampakan o 200 metro ang lalim.
Karaniwan ang mga aksidente sa kalsada sa Peru sanhi ng ilang kadahilanan, gaya ng mga motoristang mabilis magpatakbo ng kanilang sasakyan, kakulangan ng road signs, mga kalsadang hindi namamantini at hindi maayos na pagpapatupad ng traffic safety.
Agence France-Presse