Business confidence sa bansa, tumaaas sa 2nd quarter ng taon

BSP

Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bumuti ang business outlook sa bansa sa ikalawang quarter ng 2022.

Sa datos ng BSP, mula sa 32.9 percent noong first quarter ay tumaas ang overall confidence index ng mga negosyo sa 35.4 percent sa second quarter.

Ayon sa BSP, ang mas positibong outlook ng mga kumpanya o negosyo ay bunsod ng pagluluwag sa mga COVID 19 restrictions.

Gayundin, ang pagbubukas muli ng ekonomiya
at pagbabalik ng normal na business operations.

Ilan pa sa dahilan ng mas mataas na business sentiment ay ang pagtaas ng benta, orders at demand at uptick sa economic activities bunsod ng electiom related spending.

Tinanong sa business expectation survey ng BSP ang 1,509 firms kung saan 509 ay kumpanya mula sa NCR at 925 naman ay mula sa iba’t iba pang rehiyon sa bansa.

Isinagawa ang survey mula April 18 hanggang June 1.

Moira Encina

Please follow and like us: