Business development officer, nakatutok lang ba sa pagpapaunlad ng negosyo?
Magandang araw mga kapitbahay!
Ibabahagi ko sa inyo ang napag-usapan sa programang Let’s Get Ready To TVRadyo sa ginawang pagtalakay ng isang business development officer or manager na si Mr. Nel Talavera .
Inaakala ng iba na ang pagiging business development manager ay isang teknikal na uri ng hanapbuhay o papel sa negosyo, pero, kapag nagde-develop ng business, ang pangunahin ay tao.
Ang negosyo ay binubuo ng mga tao at para makabuo ng maayos na negosyo dapat na magkaron ng magandang pakikitungo sa mga taong iyong makakasama o makakatransaksiyon.
Sabi ni Mr. Nel na akala ng marami ang pangunahing kailangan ay pera o kapital sa pagde-develop ng business.
Pero, alam po ba ninyo na ang dapat na unahin sa pagsisimula ng negosyo ay ang magandang koneksyon sa kapwa.
Kaya nga ang pinakapuhunan o importante sa negosyo ay ang mga tao.
Sa isang business development officer, malaking hamon ang pagtimbang sa pag-uugali ng mga taong makakasama
Dito pumapasok ang tiwala. Kailangan na marunong bumasa ang isang development officer kung sinong mga tao ang dapat na mapagkatiwalaan.
Dapat na laging isaisip na hindi mabuti na agad hahatulan ang isang tao gayung hindi mo naman nabibigyan pa ng pagkakataon.
Kung sa mga unang yugto ay naninimbang pa kung sino ang pagtitiwalaan, mas mainam na huwag na munang bigyan ng malaking responsibilidad.
Unti-unti hanggang sa makilala mo na ang kakayahan at ang pag-uugali. Kung dapat pagtiwalaan ng karagdagang responsibilidad.
Samantala, kung sa pagraan ng panahon, makita na sa halip na makatulong ay nakasisira pa sa takbo ng negosyo ay kailangang magdesisyon na pawalan o gumawa ng paraan para hidi makaapekto sa takbo ng negosyo.
Subalit hanaggang hindi nakasasakit sa kabuuan, puwedeng mabigyan muna ng pagkakataon dahil posibleng nasa panahon lamang ng adjustment o adjustment period.
Sana ay nakapagdagdag kami ng mga kaalaman, makatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Hanggang sa susunod ulit, dito lang sa Kapitbahay !