Business establishments sa NCR, dinagsa sa unang araw ng pagpapatupad ng alert level 3

Maraming mga negosyo ang dinagsa ng customers kung saan karamihan ay fully booked kaagad, makaraang ibaba sa alert level 3 ang kalakhang Maynila.

Kabilang sa mga unang dinagsa ay mga restaurant, mga spa at food stalls.

Mas marami naman ang customers na nagtungo sa mga retaurant na may alfresco areas.

Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinapayagan na rin sa Metro Manila ang staycation.

Subalit ang mga sinehan aniya ay papayagan lamang magbukas sa susunod na buwan.

Sinabi ni Paolo Mendoza, vice president ng Music Museum Group Inc., na target nilang buksan ang mga sinehan sa November 10.

Nagpaalala naman ang mga kinauukulan, na dapat ay fully vaccinated na ang mga tauhan ng mga business establishment na nag-umpisa nang mag-operate.

Please follow and like us: