Business establishments sa San Juan, ipasasara kapag hindi sumunod sa “no vaccine, no entry policy”
Pinaigting ng San juan ang mga ipinatutupad na patakaran sa harap ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni San juan Mayor Francis Zamora, mahigpit nilang ipinapatupad ngayon ang pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas ng bahay at magtungo sa mga pampublikong lugar at sumakay sa public transportation.
Sa nakalipas kasing isang linggo pumalo na agad sa 355 ang bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19.
Nakipagmeeting aniya sila sa mga may ari ng lahat business establishment para mahigpit na ipatupad ang no vaccine no entry.
Binalaan ng alkalde ang mga negosyo, bangko, restaurants at iba pang pasilidad na ipasasara o tatanggalan ng permit kapag lumabag sa mga panuntunan.
Paglilinaw ng alkalde ginagawa ito para makaiwas sa mas malalang kaso na naman ng COVID-19 at kaligtasan ng lahat ng mamamayan.
Meanne Corvera