Business groups kampanteng magtutuluy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa
Isa raw “pleasant surprise” ang naitalang 7.1% GDP growth ng bansa sa ikatlong quarter ng taon sa kabila ng mga panibagong restrictions noon dahil sa Delta variant.
Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry President (PCCI) Benedicto Yujuico, karamihan sa mga ekonomista ay tinatantiya ang 4% hanggang 6% na economic growth.
Kaya “better than expected” aniya ang naitalang paglago sa ekonomiya noong third quarter.
Tiwala ang PCCI na magtutuluy-tuloy ang positive growth na ito lalo na’t malapit na ang holiday at election season kung saan nagkakaroon ng upsurge sa spending ng publiko.
Sinabi pa ni Yujuico na bunsod ng agresibong vaccination rollout sa bansa ay tumataas din ang consumer confidence at spending.
Gayunman, importante aniya na maging maingat pa rin at sundin ang health protocols upang hindi muli tumaas ang kaso at ibalik ang mas mahigpit na COVID-19 restrictions sa bansa.
Moira Encina