Buwan ng nutrisyon ginugunita ngayon, healthy diet lalong papalaganapin ayon sa DOH

Taun taon ay ginugunita ng Department of Health ang nutrition month tuwing sasapit ang Hulyo at sa kanilang pangunguna katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng National Nutrition Council at Food and Nutrition Research Institute,ay ibat’ibang aktibidad ang naisasagawa.

Sa taong ito, tema ng pagunita sa buwan ng nutrisyon ay “healthy diet, gawing diet—for life”.

Naglalayon ito na lalong maipalaganap ang malusog na diet sa publiko upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

Binigyang diin ng DOH na kapag healthy ang diet ng isang indibiduwal, napakababa ng kanyang tyansang dapuan ng ibat’ibang sakit tulad ng non communicable diseases halimbawa nito ay diabetes,  hypertension, cardio vascular diseases at uri ng cancer.

Kabilang din sa nais ipaunawa ng DOH sa pamamagitan ng NNC at ng FNRI ang tinatawag na macro at micro nutrients.

“Sa nutrition po, ang  sinasabing macronutrients dahil dito po ay kinakailangan po ng ating katawan ng malakihang kandidad kaya high amounts, so kaya sinasabi nating macro, malakihan, ang micronutrients naman ay ito po ang mga bitamina saka mineral na kung saan kinakailangan lang ng ating katawan ng konting kandidad lang o little amount, however, sabi ko nga, kahit konting amount lang  ang kinakailangan ng katawan  ng bitamina at saka mineral, kaya nga sinasabing micronutrients, pero, ito po ay malaking impact sa ating kalusugan kung ito ay kulang”.- Dr. Imelda Agdeppa, assistant scientist, FNRI

Pinaiigting at pinalalakas din ng DOH ang kanilang adbokasiya na kalusugan at nutrisyon para sa lahat ng mga Pilipino.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *