Buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo para mabawasan ang pasanin ng publiko ngayong taon, hindi na maaaring suspendihin – DOF

Hindi umano maaaring suspendihin ng Department of Finance (DOF) ang buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo ngayong taon para maibsan ang epekto ng Inflation o pagmahal ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs at Ways and Means, inamin ni Finance Undersecretary Karl Chua na ang hindi na maaaring ipatigil ang pagkolekta ng excise tax sa oil products sa ilalim ng Train law.

Ang maaari lamang daw ipagtigil  ay ang buwis sa hinaharap dahilan kaya plano ng gobyerno na suspendihin ang dalawang pisong excise tax sa kada litro ng oil products pagpask ng Enero ng 2019.

Isasapormal ang annoucement sa mga susunod na araw.

Sabi ng Bango Sentral ng Pilipinas, kung sususpindihin ang excise tax, maaaring mabawasan ng hanggang point three percent ang inflation.

Pero malaking bagay  kung maisasabatas ang Rice Tarrification Law na maaaring magpapabilis sa pagresolba ng problema sa inflation.

Iginiit ng BSP na ang presyo ng bigas ang pangunahhing driver ng inflation dahil lahat ng mga Filipino ay kumakain ng kanin.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *