Biyahe ng ilang barko sa Visayas, suspendido dahil sa bagyong Betty – PPA

Photo: ppa.com.ph

Nag-abiso ang Philippine Ports Authority (PPA) na suspendido ang biyahe ng ilang sasakyang pandagat sa ilang lugar dahil sa malalakas na alon sa karagatan na dulot ng Super Typhoon Betty.

Ayon sa PPA, pansamantalang suspendido ang biyahe ng Supercat mula Ormoc City papuntang Cebu City kaninang alas-8:30 ng umaga at mamayang alas-3:30 ng hapon.

Pinapayuhan ng PPA ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye.

Sa Manila North Port Terminal naman, ay normal ang operasyon.

Ayon sa pamunuan ng pantalan, tuloy ang biyahe ng barko mamaya patungong Cebu, Cagayan, Butuan at Bacolod.

Ayon sa PPA, hanggang sa mga oras na ito wala naman silang namonitor na stranded na pasahero.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *