Biyahe ng PAL kinansela dahil sa Super Typhoon Betty
Kanselado ang biyahe ng flag carrier ng bansa kasunod ng pagpasok ngayong Sabado sa Philippine area of responsibility (PAR), ng Super Typhoon Betty (may international name na Mawar).
Sa forecast ng state weather bureau PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,170 kilometers sa silangan ng Central Luzon kaninang alas-10 ng umaga.
Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) ang kanselasyon ng mga flight sa kanilang Facebook page.
“In anticipation of typhoon Mawar and in the interest of safety, we are cancelling the following flights,” ayon sa statement ng PAL
Kabilang sa mga nakanselang biyahe dahil sa Super Typhoon Betty ang sumusunod:
May 27
- PR0438 Nagoya-Manila-Nagoya
May 29
- PR2932/2933 Manila-Basco-Manila
- PR2198/2199 Manila-Laoag-Manila
- PR2230/2231 Cebu-Baguio_Cebu
May 30
- PR2196/2197 Manila-Laoag-Manila
- PR2198/2199 Manila-Laoag-Manila
- PR2932/2933 Manila-Basco-Manila
May 31
- PR2932/2933 Manila-Basco-Manila
- PR2936/2937 Manila-Basco-Manila
Sa mga pasaherong may kanseladong flights, maaari nilang i-avail ang mga sumusunod:
- mag-rebook o mag-rerout ng ticket sa susunod na available flight kung may available space sa loob ng 60 araw mula sa orihinal na petsa ng flight sa kaparehang booking class o mas mataas ngunit pasok sa kaparehong cabin class
- Palitan ang ticket sa travel credits na katumbas ng sa base fare ng hindi nagamit na ticket sa loob ng isang taon mula sa petsa ng insurance
- Mag-refund ng ticket, maliban sa ticketing service charge
Tuluy-tuloy pa rin ang paghahandang ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno para sa inaasahang pananalasa ng Super Typhoon Betty.
Una rito, tiniyak mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na naka-standby na ang lahat ng kinauukulang ahensya at tauhan ng pambansang pamahalaan para sa agarang pagresponde.
Weng dela Fuente