CA Justice Japar Dimaampao, itinalagang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Justice Japar Dimaampao bilang pinakabagong associate justice ng Korte Suprema.
Si Dimaampao ang ikalawang Muslim justice na naitalaga sa Korte Suprema.
Pupunan ni Dimaampao ang binakanteng associate justice post ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Nagsimula si Dimaampao bilang state prosecutor, Mandaluyong City Regional Trial Court judge at hanggang sa mahirang bilang mahistrado ng Court of Appeals.
Siya ang pinakabatang naitalagang CA justice sa edad na 40 anyos.
Nagtapos si Dimaampao ng abogasya sa University of the East.
Bukod sa pagiging abogado ay isa ring Certified Public Accountant si Dimaampao.
Si Dimaampao rin ang chairperson ng 2020 Shari’ah Bar Exams.
Moira Encina