CA Presiding Justice Andres Reyes, itinalagang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Itinalaga ni Pangulong Duterte si Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr. bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Si Reyes ang ikatlong appointee ni Duterte sa Supreme Court at ika-isangdaan at pitumput-pitong mahistrado ng kataas-taasang hukuman.
Nagtapos siya ng abogasya sa Ateneo Law school at anak ng dati ring CA Presiding Justice na si Andres Reyes Sr.
Nahirang siya bilang CA Justice noong 1999.
Pinalitan ni Reyes si SC Associate Justice Bienvenido Reyes na nagretiro noong July 6.
Ulat ni: Moira Encina
Please follow and like us: