Cagayan, isinailalim na sa State of Calamity
Idineklara na ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang State of Calamity sa buong lalawigan.
Ito ay kasunod ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Sinabi ni Mamba na dahil sa pagdedeklara ng state of calamity ,magkakaroon ng price freeze sa mga basic commodities o mga pangunahing bilihin sa buong lalawigan.
Dahil sa pagbayo ng bagyong Ompong sa Cagayan , nasira ang bahagi ng passenger terminal building ng Tuguegarao Airport, pero ngayon ay bukas na ito sa publiko.
Nilipad din ng hanging dala ng bagyo ang bubong ng kapitolyo ng Cagayan.
Sa huling datos, pinakamalaking pinsala ang naramdaman sa bayan ng Baggao, kung saan naglandfall ang bagyong Ompong noong Sabado ng umaga.
===============