CALABARZON nakapagtala ng halos 500 bagong COVID cases; Kabuuang kaso nasa higit 90,000 na
Naragdagan ng halos 500 bagong kaso ng COVID-19 ang CALABARZON.
Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, may 494 bagong COVID cases sa rehiyon.
Dahil dito, umabot na sa 90,194 ang kabuuang kumpirmadong nahawahan ng sakit sa Region IV-A mula nang magsimula ang Pandemya noong nakaraang taon.
Pero, mahigit 77,000 sa mga nagpositibo ang gumaling na kaya mahigit 10,600 na lang ang aktibong kaso sa CALABARZON.
Ang Cavite, Rizal, at Laguna na kabilang sa mga inilagay sa ECQ ang tatlong may pinakamaraming active cases sa rehiyon.
Mahigit 3,900 ang nagpapagaling o ginagamot pa sa Cavite; 2,364 sa Rizal; at 2,096 sa Laguna.
Moira Encina