CALABARZON, nakapagtala ng pinakamataas na bagong mga kaso ng Covid-19
Ang Region 4A o Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, ang Calabarzon ay nakapagtala ng 569 na bagong kaso ng Covid-19.
Mas mataas ito kumpara sa National Capital Region na may 525 na bagong kaso.
Sinundan naman ng Region 3 o Central Luzon na may 471 new cases.
Kung pagbabatayan naman ang bilang ng mga aktibong kaso ng Covid-19, nananatiling may pinakamataas na bilang ang NCR na may 11,046 active cases ng COVID 19.
Pumangalawa naman ang Calabarzon na may 8,491 na aktibong kaso.
Ang Calabarzon ay kabilang sa tinatawag na NCR Plus na tinututukan ng DOH dahil sa mataas na mga kaso ng Covid-19 infection.
Sa gitna naman ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 sa bansa, patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa minimum public health standards kontra Covid-19.
Madz Moratillo