CALABARZON nakatanggap ng 3,000 doses ng Russian COVID-19 vaccine na Sputnik V
Bukod sa CoronaVac at AstraZeneca, nabigyan na rin ng Russian COVID-19 vaccine na Sputnik V ng Gamaleya ang CALABARZON.
Batay sa datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 3,000 doses ng Sputnik V ang natanggap ng rehiyon mula sa nasyonal na pamahalaan.
Sa kabuuan ay 910,580 doses ng bakuna kontra COVID ang natanggap na ng Region IV-A.
Pinakamarami rito ay ang CoronaVac na mahigit 576,000 at sumunod ang AstraZeneca na mahigit 331,000 doses.
Samantala, halos 153,000 na ang fully vaccinated habang nasa 480,700 ang naturukan na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa rehiyon.
Moira Encina