Calabarzon, unti-unting bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19
Bumababa na ang bilang ng mga naitatalang aktibong kaso ng Covid 19 sa Calabarzon.
Batay sa tala ng DOH Reg. 4a, nasa 22,590 na lamang ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng virus sa rehiyon.
Nadagdagan naman ang bilang ng mga nakarekober sa Covid 19 kung saan nakapagtala ang DOH ng 2,473 na mga bagong recoveries kung kaya’t pumalo na sa 124,414 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.
Nasa 151,222 naman ang mga may kumpirmadong kaso ng virus habang nasa 4,218 naman ang bilang ng mga nasawi.
Please follow and like us: