Calamity funds sa ilalim ng 2025 National Budget palalakasin ng Senado

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Palalakasin ng Senado ang calamity funds sa ilalim ng 2025 National Budget.

Layon nito na mapabilis ang pagdadala ng tulong sa mga komunidad na sinalanta ng sunod-sunod na mga bagyo.

Sa susunod na taon, aabot sa 21 bilyong piso ang inilaan ng Senado na pondo sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, mas mataas ng 500 milyong piso kumpara ngayong 2024.

Bukod pa rito ang dagdag na pondo para sa Quick Response ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nasa forefront ng kalamidad.

Ayon kay Senador Grace Poe na chairman ng Senate Committee on Finance, subok na kapag may resources, mabilis na makareresponde at makapagliligtas ng mas maraming buhay.

Ang pondo aniya ay tutugon din sa mabilis na pagbangon ng mga Pilipinong nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *