Calatagan , Batangas niyanig ng magnitude 3.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Calatagan , Batangas.
Ayon sa Philippine institute of volcanology and seismology, naitala ang lindol kaninang 10:16 ng umaga.
Natukoy ang lindol sa 18 kilometro sa timog kanluran ng Calatagan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 95 kilometers.
Naitala naman ang intensity 1 sa Puerto Galera , Oriental Mindoro.
Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
Please follow and like us: