Calauan sa Laguna nagdeklara ng public health emergency dahil sa dengue
Isinailalim na sa State of Public Health Emergency, ang bayan ng Calauan, Laguna sanhi nang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa nasabing bayan.
Sa kabuuan, mayroong 173 kaso ng dengue sa buong Calauan, kung saan 33 dito ang active cases at 1 ang naitalang namatay.
Courtesy : Calauan Laguna Rural Health
Patuloy din ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Rural Health Unit ng Calauan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, upang masugpo ang dumaraming kaso ng dengue sa naturang bayan.
Samantala, tuloy pa rin ang paglilinis at pagsasagawa ng misting operations ng lokal na pamahalaan ng Calauan bilang pagtugon na masugpo ang naturang sakit.
Manny De luna