Calendar of activities para sa Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre, inilabas na ng COMELEC
Inilabas na ng Comelec ang Calendar of activities para sa Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Sa resolusyon ng COMELEC En Banc, itinakda sa September 23 hanggang September 30 ang paghahain ng certificate of candidacy.
Ang campaign period naman ay mula sa October 13 hanggang October 21.
Sa araw ng eleksyon, ang botohan ay itinakda mula ala siyete ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Samantala, nakasaad din sa calendar of activities ang mga ipinagbabawal na aktibidad sa panahon ng halalan.
Mula September 23 hanggang October 30, bawal ang pagdadala ng baril at patalim; paggamit ng mga security personnel o bodyguard ng mga kandidato; maglipat ng mga opisyal at empleyado na nasa civil service kabilang na ang mga public school teacher; magsuspindi ng alinmang elective provincial, city, municipal o barangay officer.
Mula naman October 13 hanggang October 22, bawal ang konstruksyon ng mga kalsada at tulay na pinopondohan ng barangay at sa bisperas ng eleksyon, bawal ang pagbebenta ng nakalalasing na inumin.
Ulat ni: Moira Encina