Calle Crisologo sa Vigan, dinagsa ng mga turista
Dagsa na ang mga local at foreign tourist sa siyudad ng Vigan lalong-lalo na sa tanyag na Calle Crisologo.
Dahil dito todo ang pagmamando ng mga traffic enforcers sa mga pangunahing kalsada sa siyudad lalo na ang mga patungong Calle Crisologo at Ilocos Sur Musical Dancing Fountain.
Ayon kay SP04 Fernan Quebral, hepe ng Public Safety Division ng Vigan City, bukod sa masisikip ang mga kalsada ay kakaunti lamang ang mga parking space sa lungsod na lalong nagpapabigat sa daloy ng trapiko.
Samantala, pagkatapos ng paglalakad sa kahabaan ng Calle Crisologo kung saan makikita ang mga lumang bahay at mayamang kultura ng siyudad ay mapapawi naman ang pagod ng mga turista pagdating ng gabi.
Ito ay dahil sa musical at lights show na hatid ng Ilocos Sur Musical Dancing Fountain.
Sinabi ni Mr. Dante Tacata, tagapamahala ng dancing fountain, mas marami ang mga turista ngayon kumpara noong nakaraang taon .
Nabatid na noon nakaraang linggo ay fully-booked na ang mga hotel at transient houses sa Vigan.
Dahil dito, mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng mga pulis sa pangunguna ng Ilocos Sur Police Provincial Office.