Caloocan City Cong. Edgar Erice, nanawagan kay Pangulong Duterte na maglatag ng alternatibong paraan para sa paglutas ng problema sa droga sa bansa
Nanawagan si Caloocan City Cong. Edgar Erice kay Pangulong Duterte na maglatag at magpatupad ng alternatibong paraan para sa paglutas ng problema sa droga sa bansa.
Sinabi ni Erice na miyembro ng oposisyon sa Kamara na sa dami na ng napatay sa war against drugs ay panahon na para maglatag at magpatupad ng alternatibong kampanya ang gobyerno para maitigil na ang marahas na pamamaraan ng war against drugs.
Ayon sa kongresista, dapat matuto ang Pilipinas sa giyera laban sa droga ng ibat ibang bansa na gumamit din ng marahas na sistema pero nabigo lamang.
Iminungkahi ni Erice sa administrasyon na gayahin ang naging taktika ng Portugal na kinuha ang tulong ng oposisyon at mga eksperto para bumuo ng compasionate program na tumugon sa ugat ng adiksiyon sa droga ang isolation at kahirapan.
Kailangan ituring ang problema sa droga bilang health concern at hindi lamang Justice issue.
Babala ni Erice, hanggat hindi nagbabago ng taktika ang gobyerno sa war against drugs ay darami pa ang Kian delos Santos na maitutumba ng mga otoridad.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo