Camarines Sur at Surigao del Sur, niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Pasacao, Camarines Sur kaninang madaling araw.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol kaninang alas-4:32 ng madaling araw.
Naitala ang episentro pagyanig sa 19 kilometro timog kanluran ng Pasacao.
May lalim itong 13 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, niyanig din ng lindol ang Surigao del Sur na may magnitude 4.9.
Ayon sa phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers North ng bayan ng Cortes kaninang alas 5:54 umaga .
May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian , intensities at aftershocks.