Campaign posters, pinababaklas na ng COMELEC
Inatasan ng Commission on Election (COMELEC) ang lahat ng mga kandidato na alisin ang kanilang mga campaign material na nakapaskil sa labas ng mga itatalagang common poster area.
Nagbabala si Comelec Chairman Bautista na kailangan itong gawin ng mga pulitiko bago dumating ang campaign period upang hindi makasuhan ng paglabag sa Election law.
Giit ni comelec chief na ang mga lalabag na kandidato ay maaaring makulong ng anim na taon, madisqualify sa halalan o sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno at maalisan din ng karapatang bumoto.
Please follow and like us: