Campaign slogan ng Lacson-Sotto tandem, ipinatitigil
Pinatitigil na umano ng kanilang mga kalaban sa pulitika ang tambalan nina Senador Ping Lacson at Tito Sotto sa kanilang campaign slogan na sakaling maupo sa pwesto, wawalisin ang mga magnanakaw sa gobyerno.
Ayon kay Lacson, isang supporter ng kalaban sa pulitika ang tumawag sa kanya at hiniling na itigil na ang mga pag-atake .
Nasa Baguio city aniya sila noong nakaraang linggo nang tawagan siya ng common friend nila ng isang presidential candidate.
Tumanggi na itong pangalanan pero may isa naman aniyang kandidato ang sinakyan ang isyu at siya ang isinasangkalan.
Nakakuha raw sila ng kopya ng video ng black propaganda pero hindi muna isasapubliko.
Photo courtesy : FB/Ping Lacson
Ang tambalang Lacson at Sotto ay nag- ikot at nakipagdayalogo sa mga taga batangas na kabilang sa top ten most rich provinces.
Kasama nilang nag-ikot ang Senatorial candidates na sina Dr. Minguita Padilla at dating congressman Monsour del Rosario.
Bukod sa pag-iikot magiging aktibo rin sila sa mga debate.
Meanne Corvera